Saan napupunta ang gatas na may melamine?

Matapos alisin sa mga palengke at tindahan ang gatas na kontaminado ng nakakalasong Melamine, saan kaya ito dinadala?
Sang-ayon ako na alisin ang mga gatas na ito dahil sa pinsala na dala ng Melamine sa katawan. Maraming bata sa China ang nagkasakit dahil dito at ang buong mundo ay niyanig ng balitang ito. Marami kasing produkto na mula o hinahaluan ng gatas, kaya hindi lamang gatas ang ating dapat bantayan.
Subalit ang isa pang mahalagang tanong ay kung saan dinadala ang gatas na may Melamine na inalis sa mga palengke at tindahan. Ito ba ay sinisira o tinatapon? O baka naman may mga baluktot ang isip dyan at tangkain na ilagay sa ibang lalagyan ang gatas na may Melamine at palabasin na hindi ito galing Tsina.
Dapat mailinaw sa atin ng gobyerno kung saan napupunta ang gatas na may Melamine at kung ito ay totoong sinisira o tinatapon.
Most read
Today
All-time
- Beware of Globelines broadband (10819)
- Horrible service at Mayer (3760)
- Text message cost reduced to 50 centavos (2770)
- Taga sa presyo itong hawk bags (1966)
- Laws (1769)
Archive
- June, 2008 (8)
- July, 2008 (5)
- August, 2008 (1)
- October, 2008 (1)
- November, 2008 (1)
- May, 2009 (1)



bumabalik sa dudu ng cow
- reply
Submitted by Anonymous on Thu, 10/09/2008 - 22:46.Sayang ang mga gatas kung itatapon lang. Pwede namang inumin iyon ng mga taong sobrang gutom at wala nang makain. Dapat i-reimburse ng gobyerno iyon at cost, tapos ipamudmod sa mga matatandang homeless na gutom. Saan ka pa? Mamatay sa gutom o magkaron ng fighting chance laban sa gutom?
Huwag sayangin ang pagkain. Hindi naman agaran ang pagbubuo ng bato sa kidneys kung eto ay minsanan lang iinumin lalo na sa mga taong hindi na bata.
Mas malaking kalaban ang gutom kesa sa mga taong may risk na lumala ang kalagayan dahil sa Melamine.
- reply
Submitted by Anonymous on Fri, 10/24/2008 - 00:13.tama ka na wag sayangin ang pagkain, pero ang ipakain ang isang bagay na alam mong lason sa mahihirap ay hindi lamang iresponsable kundi isang paglabag sa batas. kung ikaw kaya ang uminom ng gatas na yan, kasi ayaw mo namang masayang.
- reply
Submitted by Anonymous on Sun, 10/26/2008 - 12:00.hey Bro remember health is wealth, kung ikaw kaya ang uminom ng mga gatas na may melamine? bakit mo nmn panghihinayangan ang mga bagay na alam mong may lason?
- reply
Submitted by Anonymous on Mon, 04/27/2009 - 07:44.grabe nmn kayo itinatanong pa ba yun? syempre saan ba napupunta yung mga gatas na contaminated ng melamine kundi sa lupa nagsisilbing pataba sa lupa, sabi ng isa dyan sa dudu daw ng cow hehehehe bumabalik sa dudu ng cow hehehe.
- reply
Submitted by Anonymous on Mon, 04/27/2009 - 07:47.Post new comment