Sardinas ka na pag labas mo sa MRT

Tuti Fruti's picture

Napansin na rin siguro ninyo ang malaking pagbabago sa MRT sa mga nakaraang linggo. Parang naging isang matamis na kendi itong MRT kung saan dinudumog ng langgam. Ubod ng daming tao ngayon na sumasakay. Nung nakaraang araw, hindi ko na kailangang maglakad pa para makapasok sa loob ng tren dahil sa tindi ng siksikan, bubuhatin ka ng alon ng mga nagsisiksikang mga tao.

Madalas na rin ang sigawan sa pagitan ng mga pasaherong nais makasakay at iyong nakasakay na. Sasabihin nang isa, "pasok sa gitna, gusto rin naming makarating sa trabaho" at sasagot naman ang kabila "wala nang pwesto, next train na lang" o kaya naman "walang tulakan" at may sasagot "sino ba ang nanunulak." Kahit sa dating medyo maluwag na pwesto ng pambabae at matatanda, balyahan na rin ngayon.

Kung naligo ka bago umalis ng bahay, tiyak may isang round pa ng paligo dahil sa tagaktak na pawis. Hindi na kaya ng air-conditioning ng MRT ang dami ng tao. Kailangan nang dagdagan ng MRT ang bilang ng tren nito dahil hindi na talaga kaya ng kasalukuyang dami ng tren ang pagdagsa ng pasahero. Delikado rin ang ganito kasiksik na tren, tumataas ang tsansa na may maipit sa tulakan, lalu na ang mga matatanda at bata.

0
Tags:
Sardinas??? Naku granny

Sardinas??? Naku granny goose...muntik na po ako maceaesarian jan sa MRT. Jusko once upon a tuna-can afternoon, may kelalaks ba namang minudmod ang keme niya sa wepaks ko. Hay flag ceremony to the max si Manong, mega-indayog to the beat of the choochoo train, seymour mula Magallanes hanggang Ortigas (at pinatagal ko pa daw nang ganun kahaba). Kundi ko pa tinigola si Manong, Maggi instant mommy ang lola mo. (As if naman enjoyable...hello! witchels ko feel ang public display of affection, especially sa delata. Feeling ata ni Manong ako na si Tita Maggi - ang maming may itlog...

Submitted by Anonymous (not verified) on Thu, 07/17/2008 - 10:54.
ito yata ang tinatawag na

ito yata ang tinatawag na MRT scandal hahahahahaha.

Submitted by Anonymous (not verified) on Sat, 07/19/2008 - 22:00.
plokplok's picture
muntik maceaesarian

di ko maintindihan yung istorya... puwede po ba kayong magFilipino?

Submitted by plokplok on Mon, 10/27/2008 - 20:51.
pareho tayo...

pareho tayo...

Submitted by Anonymous on Tue, 10/28/2008 - 12:20.
nuong isang araw may

nuong isang araw may hinimatay na babae dahil sa sobrang siksikan

Submitted by Anonymous on Sun, 05/31/2009 - 12:14.

Post new comment

  • Web page addresses and e-mail addresses turn into links automatically.
  • Lines and paragraphs break automatically.
  • Potentially problem-causing HTML tags are filtered.

More information about formatting options

CAPTCHA
This question is for testing whether you are a human visitor and to prevent automated spam submissions.

Proudly Pinoy

Take part now!

In 3 easy steps!
create
submit
rate

User login