Taga sa presyo itong hawk bags

Tuwing pasukan, marami sa ating mga tatay, kinukulit ng kanilang mga anak para sa bagong bag at iba pang gamit sa eskewlahan. Ngayong pasukan, tulad ng dati, kinulit na naman ako ng anak ko.
Nakita ko rin naman na dapat bilhan ang anak ko kasi mabigat ang mga libro at notebook, lahat dala nila papasok at pauwi. Kaya kahit na medyo gipit sa budget, napilitan akong bumili.
Syempre silip-silip muna sa mga presyo, importante ito ngayon dahil sa lahat nagmamahal. May isang pwesto rito sa department store ng isang mall na pinagkakaguluhan ng mga nanay at tatay, mga bags pang-school pala.
Tumingin ako at maraming magaganda, mula sa presyong 500 hanggang 3,000. Tiningnan ko itong mga bag na Hawk ang tatak, ang presyo ng bag nila 2,600. Mukhang maganda naman at matibay dahil tinayuan pa nung nagnda para ipakita ang tibay.
Ang nakakagulat, nung tumingin ako sa mga traveling bag at luggage mas mura pa ang mga ito kumpara duon sa mga bag ng Hawk. Merong 1000, 1600, at yung isang branded na bag na made in usa, 2200 lang ang presyo, kumpleto pa sa lock na US airport accredited, 3 year warranty at iba. 2,200 lang ito traveling bag samantalang itong school bags aabot ng 2,600!
Grabe mang-abuso sa presyo itong mga kumpanyang ito na gumagawa ng school bag, siguro dahil alam nila na bibili ang mga magulang ng pinakamaganda para sa anak nila at ito ang dahilan kaya nilang tinataasan ang mga presyo at kahit na mataas, meron pa ring bibili.
Most read
Today
All-time
- Beware of Globelines broadband (8202)
- Horrible service at Mayer (2988)
- Text message cost reduced to 50 centavos (2044)
- Laws (1587)
- Taga sa presyo itong hawk bags (1571)
Archive
- June, 2008 (8)
- July, 2008 (5)
- August, 2008 (1)
- October, 2008 (1)
- November, 2008 (1)
- May, 2009 (1)



Hmmm, mahal nga yan...pero baka siguro high quality materials na ginamit sa bag at that tag price? pero minsan weird din kung ano pa yung locally made mas mahal kaysa imported.
- reply
Submitted by r00t on Fri, 06/13/2008 - 15:04.Kahit na maganda materials, yung laki pa lang malaki na diperensiya, mas marami mailalagay duon sa 2200 na traveling bag kumpara duon sa Hawk school bag. Mas marami ding dagdag na mga gamit yung 2200 tulad ng lock at iba pa. Sinasamantala lang talaga nila ang mga magulang. Pagdating ng july, puntahan ko ulit iyan para makita kung magkano na presyo nung bag na iyon.
- reply
Submitted by Tuti Fruti on Sat, 06/14/2008 - 08:39.ang ginawa ng misis ko, bumili kami ng stroller tapos kinabit na lang namin yung bag ng anak ko na backpack. nagagamit pa namin yung stroller pag nag grocery siya
- reply
Submitted by Anonymous (not verified) on Sun, 06/15/2008 - 11:06.eh di wag mong bilhin yung Hawk bag. since kinumpara mo na ung US made na bag at mas mura ito sabi mo, bakit ka pa nagrereklamo eh for sure hindi mo naman binili ung Hawk bag, di ba?
sinagot mo na din naman ung tanong mo kung bakit mahal, ang sabi mo sinasamantala nila kasi nga komo pasukan na naman. anong nirereklamo mo?
simple lang naman yan, eh di bilhin mo kung ano yung kaya ng budget mo, di ba?
- reply
Submitted by Anonymous on Fri, 01/30/2009 - 01:00.ISA AKONG MOUNTAINEER, NASUBUKAN KONG GUMAMIT NG IBAT IBANG BAG,I COULD SAY NA ANG HAWK BAG PARIN ANG NAKITA KONG ISA SA PINAKA MATIBAY NA BAG,SA BIHIN NA NATING MAHAL PERO SULIT NA SULIT NAMAN. HANGANG NGAYON ILANG BESES KO NANG NAGAMIT SA HIKING YUNG HAWK BAG KO WALA PARING SIRA KAHIT SUBRANG BIGAT KAYANG KAYA. MATIBAY KASI YUNG MGA MATERIALS NA GINAMIT,BILIB NGA AKO EH! KASI YUNG IBANG BAG KO NA GALING PA NG IBANG BANSA MADALING NASIRA, YUNG HAWK BAG KO HANGANG NGAYON WALA NI ISANG PUNIT, ANG DAMI PANG HUMIHIRAM. BUMILI PA NGA AKO NG ISA, YUNG BACK BAG NA PWEDING POUCHM, ANG GANDA NGA EH DOUBLE PURPOSE......KAYA KAPATID SUBUKAN AT MASASABI MONG SULIT NGA,
- reply
Submitted by Anonymous on Fri, 03/27/2009 - 10:15.Siguro mas mahal ang school bag, dahil mas matibay ito compared to the traveling bag. Ang traveling bag naman ay hindi expected na gamitin araw araw. At clearly, mas mabigat naman ang libro kesa damit. Kaya siguro talagang mas mahal ang school bag kesa sa traveling bag
- reply
Submitted by Anonymous on Wed, 05/06/2009 - 08:58.isa rin ako sa mga batang nakagamit ng hawk bags
kahit ung dad ko nakagamit din ng hawk bag
ung bag niya umabot na ata ng 5 years or more nagagamit pa niya
at this time nakatira kami ngayon overseas
ako pumapasok pa sa high school
syempre kelangan ko ng backpack kasi mabibigat ung books
bumili ako ng isang famous brand ng bag dito na halos lhat ng students e meron
5 months pa lng sira na!
mahal pa naman bili ko
kung icocompare ko ung presyo sa hawk bag halos parehas lang
ngayon umuwe ung tita ko jan sa Phils.
nagpabili na lng ako ng 1 hawk bag na sure na matibay
wala pang kamukha dito
iba talaga ang gawa ng pinoy!
- reply
Submitted by Anonymous on Sat, 05/30/2009 - 09:36.budget ko talaga 2000 lang actually wala ako balak bumili ng bag kasi ok pa naman yung stroller bag ng anak ko nabili last year isang laba lang bago na uli kasi naman ako ang sumusundo kaya ako rin ang bumubuhat pero ok pa nalaman ko na ang gumawa pala noon ay sister company ng hawk justice league ang tatak nagamit pa nga naming mag ama sa local travel e now eto nga napabili again ako kasi di ko expected ang nilipatang school ng anak ko e nineteen books ang ibinigay dalawa lang ang manipis at seventeen ang may standard na kapal ng books. last sunday isinama ko ang anak ko to buy nakita ko nga ang hawk bag kasi yun ang agad naming pinuntahan may idea na ako na mas mura ang travelling bags nowadays pero ayaw ko naman magmukhang weird ang anak ko carrying a travelling bag to school everyday although meron naman travelling bag na papasang school bag ang itsura anyway ayun nga tumingin din kami sa iba ayaw na ng anak ko ng character bag ok yun naisip ko kasi kung sakaling umabot sa grade six yung bag e di sya maaalangan na pangbata pa yung bag nya and hinamon ko pa yung dalawang salesclerk na ikumpara side by side yung bags illustrazio yung isa and talaga naman angat ang hawk kaya binili ko na even 2899.75 ang price ONE THING LANG NAKITA KO SAME BAG SA SM QUIAPO ANG PRICE IS 2999.75 bakit ganun same sm din naman claim pa sila na clearance outlet daw sila pero mas mahal buti sa cubao ako bumili anyway offer naman sila ng warranty hanggang repairable ang bag gagawin pa rin ng hawk just bring to any sm outlet that day mayroon daw nagpagawa ng five year old hawk bag kupas na daw pero repairable pa kaya ayun send nila sa factory so ayun ok para matahimik na rin ang mind binili na naisip ko pwede rin naman gamitin sa travel e doble gamit na and i think kahit ipaghagisan pa ito pag check in sa eroplano e lalaban naman unlike nung gamit ko na luggage bag isang gamit pa lang tanggal na ang handle ng stroller at zipper so thats it!
- reply
Submitted by Anonymous on Thu, 07/30/2009 - 21:15.starting from elementary up to know that i'm working. I'm still patronizing the hawk bags.coz proven na maganda un quality plus may warranty pa and totoo na nag rerepair pa sila san ka pa.?.yes its true na medyo may kamahalan but sobrang sulit namn.bili ka nga ng mura bulok naman.f di mo kaya bumili ng bag sa anak mo.eh di kaw maghatid sa kanya sa school gamit un murang travelling bag na gusto mong bilhin.always go for the good quality thats a good dad advise!
- reply
Submitted by Anonymous on Thu, 10/15/2009 - 20:25.I really love hawk bag since my eldest son go to school eto na brand ng bag nya. (nursery up to present) hangang sa mag aral pati 2nd child ko hawk din binili ko. Kaya lang this year bumili ako ng two hawk bag worth 3k each.(for 2 bags i spent 6k plus). Kaya lang nasira kaagad model nito yung parang transformer tapos pina repair ko di daw nila cover yung side pocket (i have to pay daw)o di ba? nice sales talk..... Siguro yung tibay depende sa model .... parang next year hahanap na lang ako ng ibang brand... kasi bagsak sila sa akin after sales... hope you guys recommend a new brand....
Thanks
Terry Medalla
eto yung stock no. ng bag na nabili ko for both 2 hawk bags.
HAWK STROLLER item no. 202649121549
worth 3,299.75 each i bought @ SM DASMA dated 5/29/2009.
August pa lang sira na.
Note: kung may kontak person naman kayo sa hawk sana makarating tong concern ko... wala sana akong planong mag palit ng brand kung okey ang after sales. salamat
- reply
Submitted by Anonymous on Thu, 12/10/2009 - 14:30.maam, may kilala po ako sa company ng hawk.f u dont mind send me ur cp no. para maayos po un bag...loyal customer then kasi ako since nagstart palang sila.Just want to help.Godbless!
- reply
Submitted by Anonymous on Sat, 01/30/2010 - 13:10.Post new comment