Published on bakitsira.net (http://www.bakitsira.net)
Taga sa presyo itong hawk bags
By Tuti Fruti
Created 06/13/2008 - 13:54

Tuwing pasukan, marami sa ating mga tatay, kinukulit ng kanilang mga anak para sa bagong bag at iba pang gamit sa eskewlahan. Ngayong pasukan, tulad ng dati, kinulit na naman ako ng anak ko.

Nakita ko rin naman na dapat bilhan ang anak ko kasi mabigat ang mga libro at notebook, lahat dala nila papasok at pauwi. Kaya kahit na medyo gipit sa budget, napilitan akong bumili.

Syempre silip-silip muna sa mga presyo, importante ito ngayon dahil sa lahat nagmamahal. May isang pwesto rito sa department store ng isang mall na pinagkakaguluhan ng mga nanay at tatay, mga bags pang-school pala.

Tumingin ako at maraming magaganda, mula sa presyong 500 hanggang 3,000. Tiningnan ko itong mga bag na Hawk ang tatak, ang presyo ng bag nila 2,600. Mukhang maganda naman at matibay dahil tinayuan pa nung nagnda para ipakita ang tibay.

Ang nakakagulat, nung tumingin ako sa mga traveling bag at luggage mas mura pa ang mga ito kumpara duon sa mga bag ng Hawk. Merong 1000, 1600, at yung isang branded na bag na made in usa, 2200 lang ang presyo, kumpleto pa sa lock na US airport accredited, 3 year warranty at iba. 2,200 lang ito traveling bag samantalang itong school bags aabot ng 2,600!

Grabe mang-abuso sa presyo itong mga kumpanyang ito na gumagawa ng school bag, siguro dahil alam nila na bibili ang mga magulang ng pinakamaganda para sa anak nila at ito ang dahilan kaya nilang tinataasan ang mga presyo at kahit na mataas, meron pa ring bibili.


Source URL: http://www.bakitsira.net/story/225/taga-sa-presyo-itong-hawk-bags