drug stores

Dito sa atin sa Pilipinas, ubod ng mahal ng gamot. Kaya marami sa ating mga kababayan, sa halip na bumili ng gamot, bigas na lang ang bibilhin, kaso hindi naman kayang gamuting ng bigas ang tuberculosis o iba pang karamdaman. Mas malaki pa ang problema natin ngayon dahil tumataas ang presyo ng gasolina, ng pagkain, lahat tumataas, kaya tayo ay nasa lupa at pilit na inaabot ang gamot na anduon sa kalangitan.
Magandang negosyo din ang drug store, kaya naman sa lugar namin, kaliwa't kanan ay may botika. Malaki kasi ang kita dahil sa napakalaki ng patong nila sa presyo. Malaki nga ang tubo nila, butas naman bulsa natin.
Hindi ako sigurado kung bababa talaga ang presyo ng gamot dahil sa batas na ito, pero isa lang ang sigurado ako, lahat tayo galit sa mahal na presyo ng gamot!
Most read
Today
All-time
- Beware of Globelines broadband (8192)
- Horrible service at Mayer (2982)
- Text message cost reduced to 50 centavos (2037)
- Laws (1584)
- Taga sa presyo itong hawk bags (1568)
Archive
- June, 2008 (8)
- July, 2008 (5)
- August, 2008 (1)
- October, 2008 (1)
- November, 2008 (1)
- May, 2009 (1)


