train

Tuti Fruti's picture

Napansin na rin siguro ninyo ang malaking pagbabago sa MRT sa mga nakaraang linggo. Parang naging isang matamis na kendi itong MRT kung saan dinudumog ng langgam. Ubod ng daming tao ngayon na sumasakay. Nung nakaraang araw, hindi ko na kailangang maglakad pa para makapasok sa loob ng tren dahil sa tindi ng siksikan, bubuhatin ka ng alon ng mga nagsisiksikang mga tao.

Madalas na rin ang sigawan sa pagitan ng mga pasaherong nais makasakay at iyong nakasakay na. Sasabihin nang isa, "pasok sa gitna, gusto rin naming makarating sa trabaho" at sasagot naman ang kabila "wala nang pwesto, next train na lang" o kaya naman "walang tulakan" at may sasagot "sino ba ang nanunulak." Kahit sa dating medyo maluwag na pwesto ng pambabae at matatanda, balyahan na rin ngayon.

Tuti Fruti's picture

Magandang balita sana ito, dahil libreng sakay ang MRT sa June 12 bilang selebrasyon ng Araw ng Kalayaan, kaso nagtataka ako at bakit 7-9 ng umaga at 5-7 naman sa hapon lang libre. Akala ko ba selebrasyon ng Araw ng Kalayaan, mukhang oras ng kalayaan lang ang ginugunita ng may-ari ng MRT. Maganda siguro na ipaalala sa MRT na 24 oras ang mayroon sa isang araw. Tsk tsk.

MRT giving free rides on Independence Day

By Abigail Kwok
INQUIRER.net
First Posted 11:34am (Mla time) 06/04/2008

MANILA, Philippines -- To celebrate Independence Day on June 12, the Metro Rail Transit (MRT) will be offering free rides, public information officer Lysa Blancaflor said on Wednesday.

Proudly Pinoy

Take part now!

In 3 easy steps!
create
submit
rate

User login